CYBER BULLYING
By: Althea coLYN
Simulan ko ang kwento sa isa ko pang mundo
Mundo na kung saan ay tuluyan ng nalason ang isipan ko
Mga luhang tila’y mauubusan at nag-uunahan
Pinipigilang humikbi dahil baka marinig ni ina’y
na walang kaalam-alam
Dati ay puno ng saya, puno ng pagmamahal ang aking nadama
Pero sa mundong ito ay puno ng sakit at panlalait ang aking nababasa
Maaari akong tumakas ngunit hindi ko maitatago
Hindi ko maitatago na isa ako sa mga nabiktima niyo
Mga larawang di kaaya-aya ay ikinalat niyo sa social media
para pagtawanan din ng iba
at hindi pa kayo nakuntento ay gumagawa kayo ng kwento kahit hindi naman totoo
at pagpasok sa iskwela
akala ko ba’y tahimik na pero hindi pa pala
mga matang nandidiri sa tuwing nakikita ako
Tila ba’y nawalan ako ng ganang mabuhay sa mundo
na kinalalagyan ko
Hindi na lumalabas at nagmumukmok nalang sa kwarto
Ano bang mali, ano bang mali para husgahan niyo ko ng ganun kadali
Inisip ko nalang na tapusin ang sakit at hinanakit
at baka matapos ito sa lubid na nakatali sa aking leeg
Alam kung hindi lang ako
Hindi lang ako ang nakaranas nito
Kaya oras na, oras na para magsumbong at para wala ng mabiktima pa
Tayo’y magkaisa at kalimutan ang sakit ng nakaraan na dulot ng makabagong teknolohiyang ating nasasakupan
P.S: Ginawa ko po ito nung Grade 12 po ako sana nagustuhan nyo, maaari po kayong magcomment at magrequest kung anong poem susunod kung isusulat maraming salamat po.
F.Y.I: Bawal pong icopy paste ito, kung gusto niyo pong icopy please comment below pag usapan po natin salamat ulit.
No comments:
Post a Comment